24.9 C
Batangas
Friday, September 26, 2025
HomeBREAKING NEWSTatahaking daan at bagsik ng bagyong #π™Šπ™‹π™Šπ™‰π™‚π™‹π™ƒ

Tatahaking daan at bagsik ng bagyong #π™Šπ™‹π™Šπ™‰π™‚π™‹π™ƒ

Date:

Related stories

Meralco restores power to service areas hit by Habagat

MANILA, Philippines β€” The Manila Electric Company (Meralco) has...

Aboitiz Construction Records 35 Million Safe Man-HoursΒ Without Lost Time Incident

Aboitiz Construction has achieved its highest safety milestone in...

Meralco works on power restoration in habagat-affected areas; remains on alert for new tropical depression

MANILA, Philippines β€” THE Manila Electric Company (Meralco) is...

CHR, nanawagan ng mas matibay na proteksyon para sa mga batang apektado ng pagputok ng Mt. Kanlaon

Negros Occidental, Pilipinas β€” Nagpahayag ng matinding pag-aalala ang...
spot_imgspot_img

Mahalagang bigyang-diin na ang matinding pag-ulan, malalakas na hangin, at posibleng storm surge ay maaari pa ring maranasan sa mga lugar na hindi sakop ng inaasahang landfall point at labas sa forecast confidence cone.

Sumangguni sa mga ipinataw na Tropical Cyclone Wind Signals (para sa direktang banta ng hangin). Bukod dito, maaaring bahagyang lumihis pa sa hilaga o timog ang tinatahak na daan ng bagyo, ngunit mananatili ito sa loob ng forecast confidence cone.

Inaasahang kikilos pahilagang-kanluran ang Bagyong OPONG habang papalapit sa Silangang Visayas–Timog Luzon. Batay sa kasalukuyang forecast track, maaaring mag-landfall si OPONG sa Rehiyon ng Bicol sa hapon ng Biyernes, Setyembre 26, at tatawid sa Timog Luzon sa buong araw ng Biyernes.

Pagkatapos nito, magpapatuloy itong kikilos sa direksyong pakanluran hilagang-kanluran sa West Philippine Sea at inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) pagsapit ng hapon o gabi ng Sabado, Setyembre 27.

Patuloy pang lalakas si OPONG habang nasa Philippine Sea, at may posibilidad na umabot ito sa kategoryang bagyo (typhoon) bago ito mag-landfall sa Bicol Region. Pagkatawid nito sa kalupaan, inaasahang bahagyang hihina ito, ngunit mananatili pa ring bagyo o malakas na bagyong tropikal (severe tropical storm). Kapag ito’y muling lumabas sa karagatan ng West Philippine Sea, mataas ang posibilidad na muling lumakas ito.

PAALALA SA PUBLIKO

Dahil sa mga nabanggit na pagbabago, mahigpit na pinapayuhan ang publiko at ang mga lokal na tanggapan ng disaster risk reduction and management (DRRM) na magsagawa ng mga kinakailangang paghahanda upang maprotektahan ang buhay at ari-arian.

Ang mga naninirahan sa mga lugar na itinuring na lubhang o napakadelikado sa mga nabanggit na panganib ay pinapayuhang sumunod sa mga kautusan ng paglikas o iba pang paalala mula sa inyong lokal na pamahalaan.

Para sa babala ukol sa malalakas na pag-ulan, thunderstorm/ rainfall advisories, at iba pang mahahalagang impormasyon sa lagay ng panahon na tiyak sa inyong lugar, patuloy na subaybayan ang mga anunsyo mula sa inyong lokal na PAGASA Regional Services Division.

Ang susunod na tropical cyclone bulletin ay ilalabas sa alas-5:00 ng umaga ng Huwebes, Setyembre 25.

[Sanggunian: DOST-PAGASA]

spot_imgspot_img
Kabayan News
Kabayan Newshttps://kabayannews.net
Kabayan News is one of the leading newspapers in the Philippines, dedicated to delivering timely, accurate, and comprehensive news to our readers. Established in 2022, Kabayan News has been at the forefront of journalism, providing insightful coverage on a wide range of topics, including national and international news, politics, business, entertainment, sports, and lifestyle.

Severe Tropical Storm Opong slightly intensifies while traversing the Philippine Sea

AS of 10:00 PM on Thursday, the center of Severe Tropical Storm (STS) Opong was located approximately 595...

Meralco restores power to service areas hit by Habagat

MANILA, Philippines β€” The Manila Electric Company (Meralco) has successfully restored electricity service to nearly all customers affected...

Rage is not enough

Subscribe

- Never miss a story with notifications

- Gain full access to our premium content

- Browse free from up to 5 devices at once

Latest stories

spot_imgspot_img