24.9 C
Batangas
Friday, September 26, 2025
HomeNewsSigaw ng taumbayan: Tigilan na ang katiwalian, ikulong ang magnanakaw!

Sigaw ng taumbayan: Tigilan na ang katiwalian, ikulong ang magnanakaw!

Date:

Related stories

Tatahaking daan at bagsik ng bagyong #𝙊𝙋𝙊𝙉𝙂𝙋𝙃

Mahalagang bigyang-diin na ang matinding pag-ulan, malalakas na hangin,...

Meralco restores power to service areas hit by Habagat

MANILA, Philippines — The Manila Electric Company (Meralco) has...

Aboitiz Construction Records 35 Million Safe Man-Hours Without Lost Time Incident

Aboitiz Construction has achieved its highest safety milestone in...
spot_imgspot_img

SUKDULAN ang galit ng mahigit 100,000 kataong sumugod sa mga pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila, at mga malalaking lungsod sa bansa nitong Linggo, Setyembre 21, 2025, upang ipahayag ang galit laban sa umano’y P100-bilyong anomalya sa mga flood control projects at mga “ghost infrastructure projects.”

Ang naturang iskandalo ay binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ulat sa bayan noong Hulyo, kasunod ng serye ng mapaminsalang pagbaha. Ayon sa Pangulo, hindi niya masisisi ang taumbayan sa pagpoprotesta at inamin na kung hindi siya ang kasalukuyang namumuno ay maaari rin siyang sumama sa mga ito.

Sa Metro Manila, higit 50,000 katao ang nagtipon sa EDSA People Power Monument, ayon sa mga organizer. Sa Luneta, tinatayang 45,000 ang dumalo batay sa tala ng Manila City Hall. Bitbit ng mga raliyista ang mga plakard at panawagan para sa hustisya, pagbibitiw, at pagpapakulong ng mga sangkot mula sa administrasyon nina Duterte hanggang Marcos.

Nanatiling kamlado pa noong umaga ang isinagawang kilos-protesta sa Manila.| Larawang kuha ni Kier Labrador

Ayon sa Department of Finance, aabot sa ₱118.5 bilyon ang nawawala sa ekonomiya mula 2023 hanggang 2025 dahil sa katiwalian sa mga proyektong pangbaha. Kamakailan lamang, isang kumpanya sa konstruksiyon ang nagsiwalat ng umano’y panunuhol sa halos 30 kongresista at opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Nakiisa sa mga kilos-protesta ang ilang mambabatas at lider mula sa civil society tulad nina Senadora Risa Hontiveros, dating Senador Kiko Pangilinan at Bam Aquino, Kinatawan Leila de Lima, at mga grupo gaya ng Akbayan, Tindig Pilipinas, at Youth Against Kurakot (YAK). Ayon kay De Lima, “Tulad ng pagtatapos natin sa Batas Militar, dapat na rin nating wakasan ang kultura ng korapsyon at paglabag sa karapatang pantao.”

Nanatiling kamlado pa noong umaga ang isinagawang kilos-protesta sa Manila.| Larawang kuha ni Kier Labrador

May mga katulad ding rally sa Bacolod at Baguio, habang sa Davao City ay isinagawa ang isang pro-Duterte rally kung saan naghain ng 100 ulo ng baka bilang handog sa mga dumalo.

Sa Makati, nakiisa ang mga kilalang artista gaya nina Dingdong Dantes, Kim Molina, Jerald Napoles, at Benjamin Alves sa isang fun run kontra korapsyon. Sa Luneta, nakiisa rin sina Maris Racal, Andrea Brillantes, Jodi Sta. Maria, Angel Aquino, Vice Ganda, Catriona Gray, at Anne Curtis, na kapwa nanawagan ng pananagutan ng mga tiwaling opisyal.

Bagamat sa pangkalahatan ay mapayapa ang mga protesta, nasira ito ng ilang marahas na insidente malapit sa Malacañang. Nagbagsakan ng bato at bote ang ilang nakamaskarang indibidwal at sinunog ang mga gulong. Gumanti ang pulisya sa pamamagitan ng pag-aresto at paggamit ng water cannon. Labimpitong kabataan ang hinuli at ilang katao, kabilang ang mamamahayag na si Manny Vargas, ang nasugatan.

Bumaha rin ang mga naki-kilos-protesta sa EDSA.| Larawang kuha ng MMDA

Mariing kinondena ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) ang karahasan at iginiit na ang kaligtasan ng mga mamamahayag ay “hindi maaaring isantabi.” Ayon sa tagapamuno ng PTFOMS na si Jose Torres Jr., patuloy nilang ipaglalaban ang mga hakbang para sa kaligtasan ng midya.

Samantala, iginiit ni Presidential Communications Undersecretary Claire Castro na ang Pangulo mismo ang nag-utos ng imbestigasyon. “Ang dapat tutukan ay ang tunay na may pananagutan. Ang panawagan para sa pananagutan ay hindi dapat gamitin sa pulitikal na paninisi,” aniya.

Naglabas din ng pahayag ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na nagsabing hindi matatapos ang laban kontra katiwalian sa araw ng protesta. “Ang laban para sa katarungan ay magpapatuloy hanggang mapanagot ang lahat ng sangkot sa malakihang korapsyon,” saad ng mga obispo.| – BNN Integrated News

spot_imgspot_img
Kabayan News
Kabayan Newshttps://kabayannews.net
Kabayan News is one of the leading newspapers in the Philippines, dedicated to delivering timely, accurate, and comprehensive news to our readers. Established in 2022, Kabayan News has been at the forefront of journalism, providing insightful coverage on a wide range of topics, including national and international news, politics, business, entertainment, sports, and lifestyle.

Subscribe

- Never miss a story with notifications

- Gain full access to our premium content

- Browse free from up to 5 devices at once

Latest stories

spot_imgspot_img