22.5 C
Cordillera
Monday, May 12, 2025
HomeNewsPing Lacson, tutulungan ang Mindoro na maging Port, Agri Hub

Ping Lacson, tutulungan ang Mindoro na maging Port, Agri Hub

Date:

Related stories

Celebrate Your Amazing Mom this Mother’s Day at SM Malls in Batangas! 

THIS Mother’s Day, let’s honor the incredible women who...

Faith, favors, and failures

WE like to think our Sunday worship bleeds into...

U.S. brings Coast Guard Leadership Course to SEA, trains PCG 

Manila —From April 21 to May 2, the United...
spot_imgspot_img

SANTA CRUZ, OCCIDENTAL MINDORO – Sa kanyang pagbisita dito nitong Sabado, iminungkahi ni dating Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson na kung papalarin siya sa Senado sa Mayo, sisikapin niyang tulungan ang Occidental Mindoro na makamtan ang potensyal nito bilang pangunahing port at agricultural hub ng bansa, gamit ang aral mula sa kasaysayan ng lalawigan.

Ayon kay Lacson, ilang siglo na ang nakaraan nang makita ang potensyal ng lalawigan na maging sentro ng kalakal tulad ng Singapore ngayon, kung bibigyan ito ng tamang road network at ibang proyektong pangkaunlaran.

“Marami tayong mapupulot na aral sa kasaysayan ng isang lugar, in this case Occidental Mindoro, na pwede nating pulutan ng mga pagkukunan ng mga ideas, because history is the best teacher… Mas maganda pulutin natin yung parte ng history ng kasaysayan na pwede nating pagkukunan ng ating lakas, ating kapasidad, ating kapabilidad na mapaunlad ang isang lugar tulad ng Occidental Mindoro,” aniya sa isang pagtitipon dito.

“Kung makikipagkonsulta kami sa DOTR halimbawa, o DPWH man para sa infrastructure, ang road network, you can just imagine kung made-develop natin ang isang port doon sa lugar na pinagdadaungan ng mga sasakyang dagat noong araw,” dagdag niya.

Ipinunto ni Lacson na mula 775 AD hanggang ika-12 at 13 na siglo, ang probinsya ng Mindoro na kilala noon bilang Ma-I ay nagpakita na ng potensyal dahil madalas itong gawing daungan ng barko sa Timog Silangang Asya, at ginagamit ng mga mangangalakal na Tsino, Arabo at Indian.

Noong ika-13 siglo, tinangka ng Chinese Admiral na si Cheng Ho na sakupin ang Mindoro at i-annex ito sa Tsina – isa pang palatandaan na may makukuha kung mapaunlad ang probinsya bilang trading hub hindi lang para sa lokal na kalakalan kundi sa pandaigdigang komersyo.

Ani Lacson, ang mga leksyon na ito mula sa kasaysayan ay pagkakataon para sa Mindorenyo para paunlarin ang probinsya para sa ikabubuti hindi lang nila kundi ng mga susunod na henerasyon.

Dagdag niya, kung makamtan ng Mindoro ang potensyal nito, ang mga darating na development projects ay magpapalakas sa lokal na ekonomiya, at ito naman ay magpapalakas ng mga oportunidad para sa pangkabuhayan at trabaho – kasama na rin ang dagdag na kita ng lokal na pamahalaan na maaaring gamitin sa local development programs.

Ganito ang sitwasyon na nais makamtan ni Lacson sa pamamagitan ng tamang pamamahagi ng pambansang budget. Layunin ng kanyang Budget Reform Advocacy for Village Empowerment (BRAVE) na tiyakin sa pambansang budget ang sapat na pondo para sa local government units (LGUs), na mas nakakaalam sa pangangailangan ng kanilang residente.

Samantala, iminungkahi rin ni Lacson na tulungang ibaba ang production cost ng bigas at ibang produktong pang-agrikultura, matapos mabigo ang Rice Tariffication Law na gawin ito dahil sa katiwalian – dahil ang budget para sa farm inputs ay nawala sa iregularidad tulad ng overpriced farm equipment.

Nakatanggap ng mainit na pagsalubong si Lacson sa Mindoro, kung saan si Rep. Leody F. Tarriela ay nagbigay ng mensaheng pinupuri si Lacson sa kanyang adbokasiya laban sa korapsyon, partikular ang pagbantay sa pambansang budget. Kabilang din sa pagtitipon si Mindoro Occidental Governor Eduardo B. Gadiano at Vice Gov. Anecita Diana C. Apigo-Tayag.|

spot_imgspot_img
Kabayan News
Kabayan Newshttps://kabayannews.net
Kabayan News is one of the leading newspapers in the Philippines, dedicated to delivering timely, accurate, and comprehensive news to our readers. Established in 2022, Kabayan News has been at the forefront of journalism, providing insightful coverage on a wide range of topics, including national and international news, politics, business, entertainment, sports, and lifestyle.

Subscribe

- Never miss a story with notifications

- Gain full access to our premium content

- Browse free from up to 5 devices at once

Latest stories

spot_imgspot_img