22.5 C
Cordillera
Monday, May 12, 2025
HomeNewsP10-M halaga ng interbensyon, ipinamahagi ng DA-4A sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair...

P10-M halaga ng interbensyon, ipinamahagi ng DA-4A sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Batangas

Date:

Related stories

Celebrate Your Amazing Mom this Mother’s Day at SM Malls in Batangas! 

THIS Mother’s Day, let’s honor the incredible women who...

Faith, favors, and failures

WE like to think our Sunday worship bleeds into...

U.S. brings Coast Guard Leadership Course to SEA, trains PCG 

Manila —From April 21 to May 2, the United...
spot_imgspot_img

Tinatayang nasa 10,367,095 halaga ng interbensyon ang naipagkaloob ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kasama ang iba pang ahensya ng pamahalaan simula noong ika-24 hanggang ika-25 ng Agosto sa Aboitiz Pitch, Lipa City, Batangas.

Sa pangunguna ni OIC-Regional Director Fidel Libao, isang booth ang itinayo ng DA-4A tampok ang pagkakaloob ng mga interbensyon gaya ng punla ng calamansi, mga binhing gulay, pataba, pestisidyo, at iba pa.

Tumanggap ng 5 unit ng combine harvester na nagkakahalaga ng 10 milyong piso ang mga magpapalay na benepisyaryo mula sa Batangas sa ginanap na ceremonial distribution ng BPSF.

Nagkaroon din ng KADIWA ng Pangulo kung saan ilan sa mga Farmers Cooperatives and Associations sa rehiyon ay direktang nakapagbenta sa mga mamimili sa komunidad ng mga produkto sa mas murang halaga.

Upang ipakilala ang mga programa at serbisyo ng Kagawaran, ipinamahagi ang mga babasahin tungkol sa pagtatanim, paghahayupan, at mga programa ng ahensya para sa magsasaka at mga interesado sa sektor ng agrikultura. Ikinatuwa ni Daisy Pasahol, isang residente mula sa Brgy. Bugtong, ang natanggap na punla ng calamansi lalo pa at kinahiligan niya na rin magtanim dahil sa impluwensya ng mga magulang na magsasaka.| – Danica T. Daluz

spot_imgspot_img
Kabayan News
Kabayan Newshttps://kabayannews.net
Kabayan News is one of the leading newspapers in the Philippines, dedicated to delivering timely, accurate, and comprehensive news to our readers. Established in 2022, Kabayan News has been at the forefront of journalism, providing insightful coverage on a wide range of topics, including national and international news, politics, business, entertainment, sports, and lifestyle.

Subscribe

- Never miss a story with notifications

- Gain full access to our premium content

- Browse free from up to 5 devices at once

Latest stories

spot_imgspot_img