By JOENALD MEDINA RAYOS
MULING nakuha ng bayan ng San Jose ang liderato ng Philippine Councilors League (PCL) – Batangas Chapter matapos muling maihalal bilang bagong pangulo ng liga si Kagawad Kattlene Briones bilang kinatawan ng mga kagawad ng mga Sangguniang Bayan at Sangguniang Panlungsod sa Sangguniang Panlalawigan.
Isinagawa ang eleksyon ng liga sa Batangas Events Center nitong Martes ng hapon, Agosto 19, kung saan at tinalo ni Briones sa botong (191-150) si dating Vice Mayor at ngayo’y Kagawad Mark Aries (Mak-Mak) Luansing ng Lipa City.
Kasama niyang nahalal ang kaniyang katambal sa Team Kapit-Bisig na si dating Vice Mayor at ngayon ay Kagawad Alberto Lat ng bayan ng Malvar, na tumalo naman kay Kagawad Czylene Marquezes ng Lungsod ng Tanauan sa botong 189-154.
Nanalo bilang Secretary-General si Kagawad Joaz Martin De Veyra ng bayan ng Rosario laban kay Kagawad Venice Manalo ng Lungsod ng Lipa. Si Manalo ang dating may hawak ng pwesto, bago pa pansamantalang naging PCL-Batangas president matapos mahalal na bokal ng ikapaat na Distrito si dating PCL-Batangas president Melvin Vidal.
Nahalal namang Treasurer si Kagawad Shalmar D. Salud ng San Juan (197) laban kay Alfred L. Solis III ng Balayan.
Nanalong Auditor si Kagawad Wilfredo Maliksi ng Lungsod ng Sto. Tomas, at dating Pangulo ng Panlalawigang Pederasyon ng Liga ng mga Barangay; laban kay Kagawad Ann Linette Vivas ng Nasugbu.
Magiging bagong PRO si Kagawad Sarah Pauline Mendoza ng Agoncillo matapos talunin si Asa Martha R. Ocampo ng San Luis; samantalang panalo rin bilang Business Manager si Kagawad Jeffrey Dela Cruz ng Calatagan, laban kay Kagawad Bernardo Pantoja ng Balayan.

Kabilang naman sa pupuno sa 8-seats ng Board of Directors sina (1) (2) Kagawad Iris Joyce A. Agojo (Laurel) – 224; Kag. Joseph Patrick G. Zara (San Jose) – 195; (3) Kag. Henry A. Larcia (Cuenca) 189; (4) Kag. Erwin M. Lascano (Taal) – 188; (5) Kag. Romel B. Basilan (Bauan) – 181; (6) Kag. Robenson M. Sale (Calaca City) – 179; (7) Kag. Archie P. Catapang (Alitagtag) – 158; at (8) Kag. Ferdinand L. Dimaano (Mataasnakahoy) – 152.
Di naman pinalad sina Kag. Ferdinand G. Villar (Padre Garcia) – 147; Kag. Christopher Barrion (San Nicolas) – 140; Kag. Joel P. Portugal (Taysan) – 131; Lely Beth G. Vale (San Luis) – 120; Kag. Randoll I. Catapang (Tuy) – 119; Leonarda A. Enriquez (Agoncillo) – 114; Rollie P. Delos Reyes (Taysan) – 102; at Kag. Bren Matthew C. Magbago (Lian) – 88.| – Kabayannews.net