APAT na lalawigan sa rehiyon ng CALABARZON ang kabilang sa sampung pangunahing probinsya sa bansa na may pinakamalaking kontribusyon sa National Gross Domestic Product (GDP), batay sa 2023 Economic Performance of the Provinces in the Philippines ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa naturang ulat, nananatili ang Laguna bilang may pinakamalaking ekonomiya sa 82 probinsya ng bansa, na may economic value na umabot sa P1.03 trilyon—ang tanging probinsyang umabot sa trilyong piso.
Samantala, kabilang din sa mga pinakamalalaking kontribyutor sa ekonomiya ng bansa ang Cavite (P780.05 bilyon), Batangas (P645.78 bilyon), at Rizal (P359.94 bilyon).
Sa kabuuan, kasama ang anim pang probinsya, binubuo nila ang 25.6% ng GDP ng Pilipinas.
Ayon sa Department of Trade and Industry, ang Calabarzon ay kinikilala bilang industrial powerhouse ng bansa, kung saan matatagpuan ang 31 world-class industrial estates at economic zones.|- BNN/PIA Calabarzon