27.1 C
Batangas
Friday, September 12, 2025
HomeBREAKING NEWS1 patay, 3 sugatan sa pagbaligtad ng isang trak sa Isla ng...

1 patay, 3 sugatan sa pagbaligtad ng isang trak sa Isla ng Tingloy

Date:

Related stories

MERALCO LEADS CHARGE IN BUILDING FUTURE ENERGY WORKFORCE

Manuel V. Pangilinan-led Manila Electric Company (Meralco), the country’s...

MERALCO CUSTOMERS TO SEE LOWER POWER RATES IN SEPTEMBER

MANILA, PHILIPPINES, 10 SEPTEMBER 2025 –The Manila Electric Company...

Eulogy for Charlie Kirk

The news of Charlie Kirk’s killing at Utah Valley...

Ozamiz Youth launch BRAVE Project with Support from Olivia Rodrigo’s Fund 4 Good

Ozamiz City, Misamis Occidental – A new project led...
spot_imgspot_img

Dead on the spot ang isang construction worker samantalang sugatan ng apat na iba pang kasamahan kabilang na ang drayber nang mabaligtad ang minamanehong truck sa palusong na bahagi ng daan sa Barangay Pisa, bayan ng Tingloy, Batangas.

Sa ipinadalang ulat ng Batangas Provincial Police Office (BPPO) nitong Lunes, nabatid na sakay ang mga naturang construction workers ng truck na may plakang XAN-458 na pagmamay-ari ng Bitrics Trading.

Kinilala ng otoridad ang nasawing pasahero na si alias Jonathan, 20 anyos, ng Barangay San Isidro, Tingloy.

Gayundin naman, kinilala rin ng pulisya ang drayber na si Alex, 62 anyos, na mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and physical injuries.

Ang iba pang pasahero na nasugatan sa insidente ay nakilalang sina alyas Jommel, 22, ng  Brgy. San Isidro Tingloy Batangas; isang alyas Brian, 36 ng Brgy. San Francisco, Mabini, Batangas; at alyas Jomel, 22 ng Sto. Nino, San Pascual, Batangas.

Ang sugatang drayber, at ang mga pasaherong sina alayas Jommel at alyas Brian ay pawang mga isinugod sa Mabini Medical Hospital; samantalang si alayas Jomel anman ay kasalukuyang nagpapagaling sa United Doctor of St. Camilus de Lellis Hospital sa Batangas City.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang otoridad kaugnay ng naturang insidente.|

spot_imgspot_img
Kabayan News
Kabayan Newshttps://kabayannews.net
Kabayan News is one of the leading newspapers in the Philippines, dedicated to delivering timely, accurate, and comprehensive news to our readers. Established in 2022, Kabayan News has been at the forefront of journalism, providing insightful coverage on a wide range of topics, including national and international news, politics, business, entertainment, sports, and lifestyle.

MERALCO LEADS CHARGE IN BUILDING FUTURE ENERGY WORKFORCE

Manuel V. Pangilinan-led Manila Electric Company (Meralco), the country’s largest private electric distribution utility, stands as a champion...

MERALCO CUSTOMERS TO SEE LOWER POWER RATES IN SEPTEMBER

MANILA, PHILIPPINES, 10 SEPTEMBER 2025 –The Manila Electric Company (Meralco) announced today a decrease of P0.1852 per kWh...

Eulogy for Charlie Kirk

Who is the Philippines?

Subscribe

- Never miss a story with notifications

- Gain full access to our premium content

- Browse free from up to 5 devices at once

Latest stories

spot_imgspot_img