25.4 C
Cordillera
Wednesday, May 21, 2025
HomeNewsPolitics๐—Ÿ๐—ฒ๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ๐—ฎ: ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป, ๐˜€๐˜‚๐˜€๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐˜€ ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป

๐—Ÿ๐—ฒ๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ๐—ฎ: ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป, ๐˜€๐˜‚๐˜€๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐˜€ ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป

Date:

Related stories

UP scientists explore Marine Microbial Genomes from Mabini, Batangas

SUBMARINE groundwater discharge (SGD) is a process in which...

BDO Foundation and SEC team up to protectย Filipino investors

When an investment opportunity sounds too good to be...

U.S. Donates Mobile Energy Systems for Palawanย 

Puerto Princesa City โ€” On May 16, U.S. Ambassador...

Credit where free college law is due

Let us clear the haze around who truly authored...

Are malls really losing their allure?

THE Philippines is known for having  a mall-centric culture...
spot_imgspot_img

Sa pagdiriwang ng National Womenโ€™s Month, nanawagan si Senadora Loren Legarda sa lahat ng sektorโ€”pampubliko man o pribadoโ€”na isakatuparan na ang mga pangakong pagbabago para isulong ang pantay na oportunidad at karapatan ng kababaihan sa lahat ng larangan.

Hinimok ng four-term senator ang bawat sektor na kumilos para matiyak na ang bawat Filipina ay malaya sa karahasan at diskriminasyon, at binigyang-diin ang pag-alis ng mga hadlang sa kanilang pag-unlad.

โ€œNgayong taon, dapat nating pabilisin ang progreso,โ€ ani Legarda.

โ€œNgayong 2025, ginugunita natin ang ika-30 anibersaryo ng Beijing Declaration and Platform for Actionโ€”ang pinaka-progresibong plano para sa pagpapalakas ng karapatan ng bawat kababaihan. Malaki ang naitulong ng platform na ito para sa pagpapalawak ng access sa mahahalagang serbisyo, pagpapalakas ng legal protections, at pagpapabago ng pagtingin sa pagkakapantay-pantay ng kasarian. Dito sa Pilipinas, hindi lang natin dapat ipagpatuloy ang mga pagsisikap na itoโ€”kailangan nating mas lalo pang paigtingin ang ating mga hakbang upang makamit ang konkretong pagbabago na tunay na nagpapalakas sa kababaihan.โ€

Binigyang-diin ni Legarda na bagamat mahalaga ang mga polisiya, ang tunay na pagbabago ay nakasalalay sa aksyon, sapat na pondo, mahigpit na pagpapatupad ng batas, at pagkakaroon ng pananagutan ng bawat sektor. Kailangan umano ng mas mahigpit na pagpapatupad ng mga batas laban sa karahasan, diskriminasyon sa trabaho, at hindi pantay na oportunidad para sa kababaihan.

Bilang matagal nang tagapagtanggol ng karapatan ng kababaihan, naniniwala si Legarda na ang pagpapalakas sa kababaihan ay pagpapalakas din sa buong bansa.

โ€œKapag sinuportahan natin ang kababaihanโ€”kapag pinangalagaan natin ang kanilang mga karapatan, pinuhunanan ang kanilang edukasyon, at binigyan sila ng pantay na pagkakataon sa ekonomiyaโ€”mas nagiging matatag at maunlad ang ating bayan,โ€ ani Legarda.

โ€œHindi lang ito usapin ng katarungan. Ito ay tungkol sa paglikha ng isang lipunang nagbibigay ng pantay na pagkakataon para sa bawat babae at batang babae upang magtagumpay, mamuno, at makapag-ambag nang makabuluhan. Hindi natin maikakaila ang malaking papel ng kababaihan sa paghubog ng ating mga komunidad at bansa.โ€

Si Legarda, ang kauna-unahang babaeng nanguna sa dalawang halalan sa pagka-senador noong 1998 at 2007, ay nangunguna sa pagsusulong ng mga batas para sa kababaihan. Ilan sa mahahalagang batas na kanyang isinulat at itinaguyod ay ang Magna Carta of Women, Anti Violence Against Women and Children Act, Anti-Trafficking in Persons Act at ang expanded version nito, Kalusugan at Nutrisyon ng Mag Nanay Act, at 105-Day Expanded Maternity Leave Law.

โ€œPanahon na para ipakita ang ating tapang,โ€ pahayag ni Legarda.

โ€œMayroon na tayong mga batas, kaalaman, at balangkas upang gawing realidad ang ating mga pangarap para sa kababaihan. Ang kailangan natin ngayon ay ang pagsasama-sama ng ating lakas at kilos na may direksyon. Gawin nating makabuluhan ang National Womenโ€™s Month sa pamamagitan ng tunay na aksyonโ€”isang hakbang patungo sa isang bansang nagbibigay-lakas, nagpoprotekta, at nagpapahalaga sa bawat Filipina.

spot_imgspot_img
Kabayan News
Kabayan Newshttps://kabayannews.net
Kabayan News is one of the leading newspapers in the Philippines, dedicated to delivering timely, accurate, and comprehensive news to our readers. Established in 2022, Kabayan News has been at the forefront of journalism, providing insightful coverage on a wide range of topics, including national and international news, politics, business, entertainment, sports, and lifestyle.

UP scientists explore Marine Microbial Genomes from Mabini, Batangas

SUBMARINE groundwater discharge (SGD) is a process in which groundwater from land seeps into the ocean, transporting freshwater,...

BDO Foundation and SEC team up to protectย Filipino investors

When an investment opportunity sounds too good to be true, itโ€™s probably a scam. Unfortunately, it can be...

Subscribe

- Never miss a story with notifications

- Gain full access to our premium content

- Browse free from up to 5 devices at once

Latest stories

spot_imgspot_img